Search This Blog

Saturday, January 18, 2020

INTRODUCTION

Sa wakas, nakapagbukas din ako ng sarili kong mundo--este--ng sarili kong blog pala. Noon ko pa talaga planong gumawa ng blog para ikako magkaroon ako ng akmang behikulo kung saan ko maipagsisigawan sa mundo ang mga gusto kong ibahagi sa mga kapwa ko writer, lalo na sa mga aspiring writers pa lamang (at sa mga writers to be na hindi pa naisisilang o isisilang pa lamang in the future, hehe) At the same time, mayroon na rin akong online library kung saan ko puwedeng iposte ang mga akda ko, mapakuwento man, tula o anupamang literary pieces na mayroon ako. Para naman ito sa mga readers ko na gustong makabasa ng mga akda ko.

Anyway, as a writer, siyempre may sarili akong estilo o mga sikreto kung paano ko binubuo ang mga akda ko. Dumaan na ako sa kaliwa't kanang mga writing contests sa socmed, ang ilan pa nga ay talagang matinding bakbakan ang nangyari sa pagitan ng mga writer contenders (iyon bang angdaming rounds, tapos angtagal ng results; may isa nga akong sinalihan na halos umabot ng isang taon bago ako hinirang na grand winner). Dumaan na rin ako sa kana't kaliwang manuscript submissions ng ilang publishing houses at naranasan ko na rin kung paano ang pakiramdam kapwa ng makapasa at ma-reject. Siyempre, heaven kapag nakapasa ka, pero hindi naman hell kapag na-reject ka. Siguro mas tamang sabihing parang namatayan ka lang ng isa sa mga paborito mong pets—pe-pets-uging akda. Hehe.

Lahat ng natutunan ko sa mga pinagdaanan kong contests at mga submissions na pinatos ko, successful man o hindi ay gusto kong ibahagi sa blog na ito. Bale parang case basis na rin ang sarili kong experiences na sa tingin ko ay worth sharing. Naniniwala itong blog kong ito sa kasabihang "sexperience —etsese—experience pala, is the best teacher. Ako mismo ay natututo sa bawat experience ko sa writing world na tinatawag. At naniniwala rin ako na kapwa writer din ang makakapaghasa ng writing skill ng kapwa niya writer din. Kaya heto, magsi-share ako in the hope na makatulong sa kapwa ko mga writing enthusiasts.
 
O, siya, dahil hindi ko forte ang masyadong magliguy-ligoy, let's cut the long intro short. Atat na rin naman kasi akong mag-dive into the thick of things ng blog kong ito (kahit ang totoo'y iniisip kong baka quickie ang mga visitors ko, hehe)
 
So, paano? Let's start kicking as ArLan Writes!

No comments:

Post a Comment